Thursday, March 31, 2011

Mga munting talinghanga ni Pot-pot

1. Atin sariwain ang bawat pahina ng ating buhay dahil sa bawat pagtatapos nito ay ligaya ang hatid. Ang bawat paghihirap sa buhay, kagaspangan at pagpapahirap ng ibang tao sa atin ay paraan lamang ng Diyos upang tayo'y maiukit niya bilang isang pinakamagandang iskultura.

2. Mahiwaga ang pag-ibig ng Diyos kaya't iyan ang dahilan kung bakit minsan matamis, mapait, maalat, mahang-hang, at maasim ang lasa ng buhay, kaya't ano mang lasa ng buhay masarap pa rin mabuhay.

3. Bawat isa sa atin ay instrumento ng Diyos na magbibigay ng magandang tunog, melodiya, ritmo, himig at liriko sa musika ng buhay.

4. Hind ang pagkakaroon ng pangalan o ang katayuan sa buhay ang magbibigay kulay sa ating paglalakbay, kundi ang kabutihan at pagmamahal mula sa mga anghel sa katauhan ng mga ordinaryon tao.

5. Minsan kailangan tayong mang-hina upang malaman natin na may tinatago pala tayong lakas.

6. Bako-bako at maputik man ang daan tungo sa tagumpay magtatagumpay pa rin.

7. Sa atin pagkalugmok sa putik may ginto tayong makikita at ito ang mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa atin.

8. Ang mga taong mapagkumbaba ay sing ning-ning ng mga tala sa langit na nagbibigay pag-asa sa kanilang kapwa.

9. Huwag nating hayaan matapos ang araw na hindi tayo nakagawa ng kabutihan at hindi tayo nakaramdam ng kasiyahan dahil ito ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay.

10. Ang tunay na kaligayahan ay makikita at madarama sa mga simpleng bagay.

No comments:

Post a Comment