Yesterday when we’re together was unforgettable
Today that we’re miles apart is a challenge
Tomorrow we’ll be together is a blissful one
Even though we’re miles away today
Our sweet memories of yesterday will keep us closer
And give us a strengthened tomorrow
Yesterday, I’d love you
Today, I love you more
Tomorrow, I’ll love you even more
From the moment i wake up I can feel the joy in my heart It's another brand new day to feel God's love and share it to the world It's a day of laughter with the people around me It's a day full of hopes, surprises and gratitude...
Sunday, March 25, 2012
Mga Yaman na Aking Natuklasan sa Silid-Aklatan
Marami ang hindi ganon kalawak ang kaalaman tungkol sa aming profession. Kung minsan may mga ibang tao mababa ang tingin sa amin, akala nila tagabantay at taga pahiram lang kami ng mga libro. Naalala ko noon sa isang institusyon nilapitan kami ng isang empleyado at kami’y kanyang tinanong kung kami ba’y applicant at kung ano kurso namin? Nang aming sabihin kami po ay mga “Librarian” nagulat siya at may kurso palang ganon at lalo siyang nagulat ng malaman niyang may board examination din kami. Ganon pa man kahit hindi kilala ang aming profession at maliit man ang tinggin ng iba sa amin hindi ako nasiraan ng loob at hindi ako nagsi-sisi sa kursong napili ko. Dahil sa ara-araw na pamamalagi ko sa silid-aklatan marami akong hiwagang natuklasan at nakatulong sa paghubog ng aking pagkatao.
Sa Silid aklatan mabusisi ang trabaho mula sa pagpili ng mga libro kakailanganin ng mga mambabasa hanggang sa maisa-ayos muna ito at mapahiram sa kanila. Dahil ditto natuto akong maging organisado, gamitin ng tama ang aking oras at higit sa lahat maging pasensyoso. Araw-araw iba’t-ibang tao ang aking nakakaharap na may iba’t-ibang kultura at karanasan sa buhay dahil sa kanila nakilala ko ng husto ang aking sarili, nagamit ko ang talino at talentong ipinagkaloob sa akin ng Diyos Ama at nakita at natutunan ko ang kahalagahan ng relasyon o pakikipagkapwa-tao. Sapagkat habang lumalalim ang ating relasyon o pakikipagkapwa-tao lalo natin nadarama ang kahulugan ng ating buhay. Marami rin akong nabasang mga libro mula sa mga kilala at magagaling na manunulat (Arun Gogna, Bo Sanchez, Bob Ong, Ed Lapiz, Francis J. Kong, George Gabriel, Health and home and kerygma writers, John Maxwell, Jon Escoto, Randy Pausch, Rhonda Byrne and Stephen Shapiro) dahil sa kanila lumawak ang aking kaalaman, natutunan kong pahalagaan ang aking mahal sa buhay, namnamin ang bawa’t sandali sa aking trabaho at sa aking buhay, at higit sa lahat lalo akong napalapit sa Diyos Ama. Sa Silid-aklatan ko rin nakilala ang aking magiging kabiyak sa buhay-Albert L. Lao. Sa may periodical section ng Ricardo V. Flores building unang nangusap ang aming mga mata at nagkarinigan ang aming mga puso (cheesy)…ahahah! Ito ang makulay na karanasan ko bilang isang librarian.
Ano man ang profession, estado o katayuan natin sa buhay huwag natin itong ikahiya o ipagmayabang sa halip tuklasin natin ang yaman na nakapaloob dito at atin itong ibahagi sa iba at isabuhay. Kaibigan salamat sa panahon na ibinigay mo upang basahin itong aking kwento… Pagpalain ka nawa ng Diyos Ama…

Isang Salamin ng Katotohanan sa Paraiso ng Magkaibigang Bulag
Minsan ako’y napapad sa isang paraiso ng dalawang magkaibigan. Nakakamangha ang kanilang paraiso ngunit ang dalawang magkaibigan ay hindi tunay na kamang-mangha. Sila ang mga taong nakapag-aral ngunit kung magsalita at kumilos ay daig pa ang taong hindi nakapag-aral. Sa aking paglakad-lakad narinig ko kung paano manalait ang dalawang magkaibigan na mataas ang estado sa buhay. Tunay na napakasakit at napakalupit nilang magsalita hindi alintatana kung masasaktan ang tao. Para sa kanila sila ay malinis, magaling at wala ng gagaling pa sa kanila. Hindi ko makakalimutan kung paano nila husgaan ang isang tao dahil hindi siya bihasa magsalita ng ingles, hindi mamahalin ang kasuotan at para sa kanila hindi nila ka-uri ang taong ito kaya hindi dapat siya mapabilang sa kanilang paraiso. Habang sila’y nag-uusap para silang mga bruha kung tumawa (buwahahaha) sa bawat panlalait nilang ginagawa! Ang sarap nilang sabunutan!wehehe…Sa kailaliman ng kanilang masamang usapan aking nabatid, ito pala ay paraiso ng mga bulag. Sapagkat ang mga taong nakatira dito ay sa panlabas na anyo lamang tumitingin at sila ay nabubuhay lamang sa kanilang kaalaman at hindi sa karunungan
Huwag natin silang tularan! Dapat natin ipahiram sa kanila ang salamin ng katotohan. Ang salaming ito ang magpapakita sa kanila na sila din ay may muta sa mata at kulangot sa ilong….wahahah! Makikita din nila sa salamin ng katotohanan na ang bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan na nagbibigay kagandahan sa kanila. Makikita nila sa salamin ng katotohananang ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa estado ng buhay, sa halip ito ay makikita kung paano ka magmahal at mahalin ng ibang tao, gaano ka kasaya sa buhay at kung paano ka magbigay saya sa ibang tao o maging biyaya sa iba… Kaya’t ugaliin natin tumingin sa salamin ng katotohanan upang maiwasan ang pagkabulag.

Ipainom sa Hari ng Librero Ang Tubig Mula Balon ng Pag-ibig
Sa aking paglalakbay ako'y napadpad sa kaharian ng Librero. Kabigha-bighani ang kaharian at maraming yaman ang matutuklasan na magbibigay pag-asa at kulay sa mga mamamayan dito.Ngunit sa kasawiang palad ang kaharian ay pinamumunuan ng isang haring bugnutin (mabibilang mo sa mga daliri mo sa kamay kung ilan beses lamang siya ngumiti sa buong maghapon), makasarili, mapang-hamak at walang tiwala sa kapwa.
Isang araw pinulong niya ang kanyang mga delegado para sa isang proyekto sa palasyo. Ito ang kanyang sinabi ipinatawag ko kayo para sa isang proyekto kaya mag-isip naman kayo ng mga ideya, lagi na lamang ako ang nag-iisip, matanda na ako at ayoko ko ng mag-isip. Nang magbigay ng ideya ang mga delegado ito ang kanyang sinabi napakababaw ng mga ideya ninyo! Kaya't tapusin na natin ang pagpupulong na ito, ako na lang ang mag-iisip ipapatawag ko na lang kayo muli para ipahayag ang aking mga ideya.
Dumating na ang araw ng pagpapahayag ng hari. Sa kanyang mayabang na pagpapahayag ng kanyang mga ideya ay para siyang isang lata na walang laman. Sapagkat ang mga ideya kanyang binanggit ay galing lamang sa kanyang mga delegado noong unang pagpupulong. Ganoon pa man malugod siyang pinakinggan ng kanyang mga delegado at dahil doon nagtagumpay ang kanilang proyekto sa palasyo.
Isang araw nagkaroon ng piging sa palasyo. Sa piging walang ginawa ang hari kundi hamakin ang lahat ng mga bisita, para bang hindi sanay kumain na masasarap na pagkain ang mga tao dumalo sa piging. Mula ulo hanggang paa kung pagmasdan niya ang kanyang mga bisita katulad din siya ng dalawang magkaibigang bulag na tumitingin lamang sa panlabas na kaanyuan at mas malungkot pa siya sa ermitanyo sa dako paroon sapagkat hindi lamang sarili niya ang nilalagay niya sa kahon kundi pati mga tao sa paligid. Sayang at hindi niya nakikita ang iba't-ibang katangian ng kanyang mga mamamayan na tunay na nagbibigay kulay at ganda sa kanyang palasyo. Dahil sa mga pangyayari aking nabatid na ang hari ay nangangailangan ng tubig mula sa balon ng pag-ibig. Ang tubig mula sa balon ng pag-ibig ang gigising sa natutulog na kaisipan ng hari, ang magpapalambot sa batong puso niya at magmumulat sa kanyang mga mata upang makita niya na ang tunay na kayamanan ay nasa tamang pag-uugali, tamang pagmamahal at tamang paggamit ng karunungan na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal.

May Ermitanyo Sa Dako Paroon
Isang araw sa dako paroon ako'y may nakilala isang ermitanyo. Na ubod ng lungkot sa buhay. Pakiramdam niya galit ang mundo sa kanya. Bihira siya tumawa, makipag-usap, at mikisama sa iba. Takot siya kilalanin at ipakikila ang sarili sa iba.Pakiramdam niya hindi siya naunawaan ng mga tao sa paligid niya. Sa kanyang palagay hindi na niya mababago ang tinggin ng ibang tao sa kanya at hindi na niya mababago ang kanyang sarili dahil ganyan na talaga siya bago pa man siya tumira sa dako paroon. Kaya siya ay namuhay ng nag-iisa, puno ng takot sa mundo at hindi niya maipahayag ang kanyang tunay na nararamdaman. Dahil dito siya ay nagkubli na lamang at madalas magpanggap. Ngunit paano siya mauunawaan kung patuloy siyang matatakot na magpakatotoo sa sarili at kung patuloy siyang magkukulong sa isang kahon na masikip at madilim. Tunay na kaawa-awang ermitanyo sayang ang panahon ginugol niya sa mundo at hindi man lamang niya nakita ang tunay na kahulugan ng buhay at kung bakit siya nabubuhay sa mundong ito. Sayang ang biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos at hindi man lamang niya ito naibahagi ng mabuti sa iba.
Kaibigan, kaya ikaw huwag kang matakot ipakita sa mundo kung sino ka? Sariwain mo ang bawat araw sa buhay, mabuhay ka na para bang iyon na ang huling araw mo sa buhay na kailangan mong magpakasaya, pasayahin ang ibang tao, ibahagi ang biyayang natatanggap mo at magmahal ng buong puso (iyon walang halong kaplastikan huh?). Laging tandaan ang buhay ay masaya! Tikman natin ang iba't ibang lasa ng buhay ito ay may tamis, pait, alat, asim, anghang at linamnam. Hmmmm, ang sarap ng buhay di ba? Kaya huwag natin gayahin ang ermitanyo sa dako paroon...

Palasyo ni Lolo ni Potporopotpot ampot
Isang araw habang ako'y nagbabasa ng magazine may nakita ako, isang Palasyo ako'y biglang nabighani sa kagandahan nito. Haay, sana mapuntahan ko ang palasyong ito, batid ko sa aking sarili. Biglang sumulpot ang isang diwata mula sa palasyo ni lolo! Sabi niya, Dadalhin kita sa aking palasyo...(hmmm, huwag mong katahin) Hallelujah chance! kailangan ko daw sabihin ito bago ako makapunta doon! Hallelujah chance! Noooooooo....
Wow! Ito ang aking nasambit ng ako ay makapasok sa palasyo. Ang mga tao dito ay namumuhay ng simple at ubod ng saya. Ang kanilang hari ay matalino, mapagkumbaba at batid niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga mamamayan. Minsan sa aking paglilibot sa palasyo nakasalubong ko ang hari, malayo pa lamang ay abot na hanggang langit ang kanyang ngiti (nagandahan siya sa akin!ahaha) na nagpalakas ng loob ko na kantahan siya "when i see you smile you know i can do anything...oooh(hmmm, kinanta mo na nman!ehehe) at upang manatili sa palasyo.
Sa aking pananatili sa palasyo ni lolo nasaksihan ko ang kanyang kabutihang nagawa, kung paano niya pinaganda ang kanyang palasyo at kung paano niya binigyan ng dangal ang kanyang mga mamamayan.
Isang araw sa hindi inaasahang pangyayari bigla na lamang umalis ang hari sa palasyo ni lolo. Hindi alam ng mga mamamayan kung ano ang dahilan. Sa kanyang pag-alis unti-unting nabago ang pamumuhay ng mga mamamayan dito. Sila ay nagkawatak-watak, marami ang naging mapang-abuso, at ang iba ay lumabas na lamang sa palasyo ni lolo at nagsimula ng panibagong buhay. Tila ang mga mamamayan sa palasyo ni lolo ay litong-lito na sa mga pangyayari, marami mga kabataan ang nawawalan ng disiplina at higit sa lahat ang bagong hari sa palasyo ni lolo ay kabaligtaran ng naunang hari. Minsan sa aking pamamasyal sa palasyo ni lolo nakita ko ang isang ale na umiiyak at lungkot na lungkot sa sinapit ng palasyo ni lolo at sa kalupitan ng bagong hari. Ito ang kanyang sinabi sa akin unti unting mararating kalangitan at bituin, unti unting kinabukasan ko'y magniningning hawak ngayon tibay ng damdamin (oo kanta yan sa jewel in the palace! kinanta mo ulit noh?!)ahaha... Biglang may tumapik sa aking balikat at kanyang sinabi "ampot" gising na may trabaho ka pa! wahaha... Oo panaginip lang ito! Hmmm, akala niyo ano na noh? ;)

You've got to read this : authors and their masterpiece that inspired, motivated and changed me...
I never thought that I'll become a librarian. Honestly speaking, during undergrad days I'm not a frequent library users or shall I say my fondness in reading is very little. Those were the days wherein I only rely on my textbooks given by our professors sometimes I read textbooks just to check my horoscope and know the hottest and latest in showbiz (hahaha...that was then). In spite of this I was destined to become a librarian. I am happy and proud of our profession because it molded my whole being and I was like a cocoon that turns into a butterfly. Learning to organize library collections, serving the library community, attending seminars and reading were the treasures I found in our profession. My dear friends the following authors and their masterpiece inspired, motivated and changed me:
The difference between knowledge and wisdom authored by Ed Lapiz. After reading the book it made me realized that living our life with only knowledge of something is like living inside the box. It means it is not enough that we know something will happen but we should believe that it will happen-Knowledge without faith is useless... So get out of the box! Have faith and make a difference... Don't focus on what pain, sickness and problems can bring us because there is nothing to fear about when God is with us obeying the will of God will put us in the right path... Keep in mind the bigger faith we have the greater success we'll have.
25 ways to win people : how to make others feel like a million bucks authored by John Maxwell and Les Parrott is all about building a positive and healthy relationships, how to give honest compliments to a person in front of other people, the positive feeling it can give to other people when you remembered their names and the memories you had and how to encourage others to pursue your dreams. After reading the book it made me realized that bringing out the best in others will also bring out the best in you.
The Secret Authored by Rhonda Bryne, the book is about the law of attraction meaning whatever comes into your mind comes out of your life. Yes, it's about attracting positive people, things, events and values in our life. How can you do this of course it will always begin in you. Meaning you will make things happen that way you want it to happen! You will visualize the things that you want to achieve make and believe that it is yours already and once you have it treasure it and share it to others.
Goal-free living : how to have the life that you want now authored by Stephen Shapiro, the book is about living for each moment, following our passion to possibly have a successful life as the author said "Joy comes from the journey not from reaching the destination."
The Last lecture authored by Randy Paush, co-authored by Jeffrey Zaslow, the book is about a man who had been diagnosed with terminal cancer and was asked to give a lecture about achieving your childhood dreams, conquering the brick walls in our life, enabling the dreams of others, and seizing every moment. In the book you will also see the importance of family, the true meaning of compassion, generosity and sacrifice. In a nutshell the book is about a dying man who taught about living.
Bo Sanchez Soulfood Newsletter @ www.bosanchez.ph his articles portrait the real meaning of FAITH, HOPE, and LOVE. The articles made me realized that the simpler we are the happier life we'll have, we can only enjoy God's blessings when we learn to share it to others and we should always try to see the good things in everyone.
I still recalled how other people underestimated me for being naive and fragile. Truly life changed after gradually applying the lessons implied from the books. A quiet type lady turned to high-spirited woman. In a nutshell these books convey to us that we should always think positive, learn to make a difference and live each day as if it's the last day our life.

Subscribe to:
Comments (Atom)