Minsan ako’y napapad sa isang paraiso ng dalawang magkaibigan. Nakakamangha ang kanilang paraiso ngunit ang dalawang magkaibigan ay hindi tunay na kamang-mangha. Sila ang mga taong nakapag-aral ngunit kung magsalita at kumilos ay daig pa ang taong hindi nakapag-aral. Sa aking paglakad-lakad narinig ko kung paano manalait ang dalawang magkaibigan na mataas ang estado sa buhay. Tunay na napakasakit at napakalupit nilang magsalita hindi alintatana kung masasaktan ang tao. Para sa kanila sila ay malinis, magaling at wala ng gagaling pa sa kanila. Hindi ko makakalimutan kung paano nila husgaan ang isang tao dahil hindi siya bihasa magsalita ng ingles, hindi mamahalin ang kasuotan at para sa kanila hindi nila ka-uri ang taong ito kaya hindi dapat siya mapabilang sa kanilang paraiso. Habang sila’y nag-uusap para silang mga bruha kung tumawa (buwahahaha) sa bawat panlalait nilang ginagawa! Ang sarap nilang sabunutan!wehehe…Sa kailaliman ng kanilang masamang usapan aking nabatid, ito pala ay paraiso ng mga bulag. Sapagkat ang mga taong nakatira dito ay sa panlabas na anyo lamang tumitingin at sila ay nabubuhay lamang sa kanilang kaalaman at hindi sa karunungan
Huwag natin silang tularan! Dapat natin ipahiram sa kanila ang salamin ng katotohan. Ang salaming ito ang magpapakita sa kanila na sila din ay may muta sa mata at kulangot sa ilong….wahahah! Makikita din nila sa salamin ng katotohanan na ang bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan na nagbibigay kagandahan sa kanila. Makikita nila sa salamin ng katotohananang ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa estado ng buhay, sa halip ito ay makikita kung paano ka magmahal at mahalin ng ibang tao, gaano ka kasaya sa buhay at kung paano ka magbigay saya sa ibang tao o maging biyaya sa iba… Kaya’t ugaliin natin tumingin sa salamin ng katotohanan upang maiwasan ang pagkabulag.
No comments:
Post a Comment