Sunday, March 25, 2012

May Ermitanyo Sa Dako Paroon

Isang araw sa dako paroon ako'y may nakilala isang ermitanyo. Na ubod ng lungkot sa buhay. Pakiramdam niya galit ang mundo sa kanya. Bihira siya tumawa, makipag-usap, at mikisama sa iba. Takot siya kilalanin at ipakikila ang sarili sa iba.Pakiramdam niya hindi siya naunawaan ng mga tao sa paligid niya. Sa kanyang palagay hindi na niya mababago ang tinggin ng ibang tao sa kanya at hindi na niya mababago ang kanyang sarili dahil ganyan na talaga siya bago pa man siya tumira sa dako paroon. Kaya siya ay namuhay ng nag-iisa, puno ng takot sa mundo at hindi niya maipahayag ang kanyang tunay na nararamdaman. Dahil dito siya ay nagkubli na lamang at madalas magpanggap. Ngunit paano siya mauunawaan kung patuloy siyang matatakot na magpakatotoo sa sarili at kung patuloy siyang magkukulong sa isang kahon na masikip at madilim. Tunay na kaawa-awang ermitanyo sayang ang panahon ginugol niya sa mundo at hindi man lamang niya nakita ang tunay na kahulugan ng buhay at kung bakit siya nabubuhay sa mundong ito. Sayang ang biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos at hindi man lamang niya ito naibahagi ng mabuti sa iba.


Kaibigan, kaya ikaw huwag kang matakot ipakita sa mundo kung sino ka? Sariwain mo ang bawat araw sa buhay, mabuhay ka na para bang iyon na ang huling araw mo sa buhay na kailangan mong magpakasaya, pasayahin ang ibang tao, ibahagi ang biyayang natatanggap mo at magmahal ng buong puso (iyon walang halong kaplastikan huh?). Laging tandaan ang buhay ay masaya! Tikman natin ang iba't ibang lasa ng buhay ito ay may tamis, pait, alat, asim, anghang at linamnam. Hmmmm, ang sarap ng buhay di ba? Kaya huwag natin gayahin ang ermitanyo sa dako paroon...

No comments:

Post a Comment