Sunday, March 25, 2012

Mga Yaman na Aking Natuklasan sa Silid-Aklatan

Marami ang hindi ganon kalawak ang kaalaman tungkol sa aming profession. Kung minsan may mga ibang tao mababa ang tingin sa amin, akala nila tagabantay at taga pahiram lang kami ng mga libro. Naalala ko noon sa isang institusyon nilapitan kami ng isang empleyado at kami’y kanyang tinanong kung kami ba’y applicant at kung ano kurso namin? Nang aming sabihin kami po ay mga “Librarian” nagulat siya at may kurso palang ganon at lalo siyang nagulat ng malaman niyang may board examination din kami. Ganon pa man kahit hindi kilala ang aming profession at maliit man ang tinggin ng iba sa amin hindi ako nasiraan ng loob at hindi ako nagsi-sisi sa kursong napili ko. Dahil sa ara-araw na pamamalagi ko sa silid-aklatan marami akong hiwagang natuklasan at nakatulong sa paghubog ng aking pagkatao.



Sa Silid aklatan mabusisi ang trabaho mula sa pagpili ng mga libro kakailanganin ng mga mambabasa hanggang sa maisa-ayos muna ito at mapahiram sa kanila. Dahil ditto natuto akong maging organisado, gamitin ng tama ang aking oras at higit sa lahat maging pasensyoso. Araw-araw iba’t-ibang tao ang aking nakakaharap na may iba’t-ibang kultura at karanasan sa buhay dahil sa kanila nakilala ko ng husto ang aking sarili, nagamit ko ang talino at talentong ipinagkaloob sa akin ng Diyos Ama at nakita at natutunan ko ang kahalagahan ng relasyon o pakikipagkapwa-tao. Sapagkat habang lumalalim ang ating relasyon o pakikipagkapwa-tao lalo natin nadarama ang kahulugan ng ating buhay. Marami rin akong nabasang mga libro mula sa mga kilala at magagaling na manunulat (Arun Gogna, Bo Sanchez, Bob Ong, Ed Lapiz, Francis J. Kong, George Gabriel, Health and home and kerygma writers, John Maxwell, Jon Escoto, Randy Pausch, Rhonda Byrne and Stephen Shapiro) dahil sa kanila lumawak ang aking kaalaman, natutunan kong pahalagaan ang aking mahal sa buhay, namnamin ang bawa’t sandali sa aking trabaho at sa aking buhay, at higit sa lahat lalo akong napalapit sa Diyos Ama. Sa Silid-aklatan ko rin nakilala ang aking magiging kabiyak sa buhay-Albert L. Lao. Sa may periodical section ng Ricardo V. Flores building unang nangusap ang aming mga mata at nagkarinigan ang aming mga puso (cheesy)…ahahah! Ito ang makulay na karanasan ko bilang isang librarian.



Ano man ang profession, estado o katayuan natin sa buhay huwag natin itong ikahiya o ipagmayabang sa halip tuklasin natin ang yaman na nakapaloob dito at atin itong ibahagi sa iba at isabuhay. Kaibigan salamat sa panahon na ibinigay mo upang basahin itong aking kwento… Pagpalain ka nawa ng Diyos Ama…

No comments:

Post a Comment